“Pag sinabi mo sa kanya yung nakita mo, I swear papatayin kita!”
Kung may nakakita sa amin, siguro matatawa na lang sila. Isang maliit at payat na babae, pinagbabantaan ang isang matipuno at gwapong lalaking tulad ko? Alright, exaggeration yung matipuno, pero confidence lang yan, pare.
Saktong five feet nothing lang ang height ni Kate pero pag may nagtanong, sinasabi niyang five feet and one half inches siya, kasi at least diba, malaki na ‘yung ganung difference para sa kanya. Pero hindi yun sumagi sa utak ko ngayon habang pinagbabantaan nitong little girl na ito ang buhay ko.
“Ano ka ba, siyempre hindi ko sasabihin sa kanya!” Medyo kumalma siya dito, pero mukha pa ding isasaksak niya sa akin yung hawak niyang HBW na ballpen kung huminga ako ng mali. “Ikaw dapat ang mag-sabi sa kanya! Ikaw yung girlfriend e!”
“Hindi nga niya pwedeng malaman! Pag nalaman niya, masasaktan lang siya and iiwan niya ako! Yun ba ang gusto mong mangyari? Ang masaktan ang bestfriend mo?”
Aba e gago din ito ano. Siya na nga ang may sikreto na medyo sobrang super-duper deal breaker, tapos ako pa daw ang gusto manakit sa bestfriend ko?
“Ikaw lang ang nakakaalam nito, Patrick ha! Kaya pag nalaman ni Drew ang totoo, alam kong ikaw ang nagsabi sa kanya, at kapag nangyari yun, papatayin talaga kita!”
Tiningnan ako ng masama ni Kate tapos bigla na lang siyang umikot at naglakad palayo. Kung may tingin na nakamamatay, siguro umuusok na tumpok ng alikabok na lang ako ngayon. Hinintay ko hanggang makuha niya ang bag niya at lumabas ng classroom bago ako huminga ulit ng malalim.
Paano ba ako nadamay sa gulong ito? Diba dapat kapag may problema ang mag jowa, sila lang ang involved? Ang unfair naman kung idadamay pa yung mga tao sa paligid nila. Pero to be fair, itong issue na ito, medyo uncharted territory sa history ng relationships. At kung ako ang nagsasabi niyan, alam niyong ibang level talaga, kasi one time may girlfriend ako na nahuli kong nakikipaghalikan sa ibang babae, tapos sinabihan ako na tibo na daw siya. Top that.
**